Shortcuts at folder
Gamitin ang mga shortcut at folder upang pamahalaan ang iyong mga application at
panatilihing malinis ang iyong Home screen.
20
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
1
I-access ang isang application gamit ang shortcut
2
I-access ang isang folder na naglalaman ng mga application
Upang magdagdag ng shortcut ng application sa iyong Home screen
1
I-touch at tagalan ang isang bakanteng bahagi sa iyong Home screen hanggang
sa mag-vibrate ang device at lumabas ang menu sa pag-customize.
2
Sa menu ng pag-customize, tapikin ang
Apps.
3
Mag-scroll sa listahan ng mga application at pumili ng application. Maidaragdag
ang piniling application sa Home screen.
Sa hakbang 3, bilang alternatibo, maaari mong tapikin ang
Shortcuts at pagkatapos ay pumili
ng application mula sa available na listahan. Kung ginagamit mo ang paraang ito upang
magdagdag ng mga shortcut, pinapayagan ka ng ilan sa mga available na application na
magdagdag ng partikular na functionality sa shortcut.
Upang ilipat ang isang item sa Home screen
•
I-touch ng matagal ang isang item hanggang sa ma-magnify ito at mag-vibrate
ang device, i-drag pagkatapos ang item sa bagong lokasyon.
Upang mag-alis ng item mula sa Home screen
•
I-touch nang matagal ang isang item hanggang sa lumaki ito at mag-vibrate ang
device, pagkatapos ay i-drag ang item patungo sa sa itaas ng screen.
Upang gumawa ng folder sa Home screen
•
I-touch at tagalan ang isang icon ng application o isang shortcut hanggang sa
lumaki ito at magba-vibrate ang device, pagkatapos ay i-drag at i-drop ito sa
tuktok ng isa pang icon ng application o shortcut.
Upang magdagdag ng mga item sa isang folder sa Home screen
•
I-touch at huwag bitiwan ang isang item hanggang sa ma-magnify ito at mag-
vibrate ang device, i-drag pagkatapos ang item sa folder.
Upang palitan ng pangalan ang isang folder sa Home screen
1
Tapikin ang folder upang mabuksan ito.
2
Tapikin ang title bar ng folder upang ipakita ang field na
Pangalan ng folder.
3
Ipasok ang bagong pangalan ng folder at tapikin ang
Tapos na.