Pagbuo
Nakakabit ang isang pamprotektang plastic na sheet sa screen. Dapat mong alisin ang
sheet na ito bago mo gamitin ang touchscreen. Kung hindi man, maaaring hindi gumana
nang maayos ang touchscreen.
Upang alisin ang takip sa likod
•
Magpasok ng daliri sa puwang (tulad ng isinasaad sa paglalarawan) at iangat ang
takip.
Upang ikabit ang takip sa likod
1
Ilagay ang takip sa likod sa likod ng device, pagkatapos ay pindutin pababa ang
mga tuktok ng sulok upang i-lock ang mga iyon sa puwesto.
2
Mula sa baba papunta sa tuktok, itulak pababa ang mga gilid ng takip hangga't sa
kumabit ang takip.
7
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Upang ilagay ang mga micro SIM card
Kung magpapasok ka ng micro SIM card habang naka-on ang device, awtomatikong magre-
restart ang device.
•
Alisin ang takip sa likod, pagkatapos ay ikabit ang mga SIM card sa mga
katugmang slot nang nakaharap sa ibaba ang mga kulay gintong contact.
Dapat kang gumamit ng micro SIM card upang gumana nang tama ang iyong device. Ang
ilang SIM card na pangkaraniwan ang laki ay nagbibigay-daan sa iyong tanggalin ang isang
naka-integrate na micro SIM card. Kapag tinanggal mo ang micro SIM card mula sa SIM card
na pangkaraniwan ang laki, hindi mo na ito maikakabit muli at hindi mo na magagamit muli ang
SIM card na pangkaraniwan ang laki. Kung wala kang micro SIM card, o kung hindi
naglalaman ng natatanggal na micro SIM card ang iyong kasalukuyang SIM card, makipag-
ugnayan sa iyong network operator para sa impormasyon tungkol sa kung paano kunin o
papalitan ang iyong SIM card.
Upang magkabit ng memory card
1
Alisin ang takip sa likod.
2
Ipasok ang memory card sa slot ng memory card, nang nakataob ang mga kulay
gintong contact.
8
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Upang alisin ang mga micro SIM card
1
Tanggalin ang takip sa likod.
2
Hilalin palabas ang mga micro SIM card mula sa mga slot nito at alisin ito nang
tuluyan.
Upang alisin ang memory card
1
I-off ang-telepono, o i-unmount ang memory card mula sa
Mga setting > Imbakan
>
I-unmount ang SD card .
2
Alisin ang takip sa likod, pagkatapos ay hilahin palabas ang memory card upang
alisin ito.