Mga setting ng screen
Upang i-adjust ang liwanag ng screen
1
Mula sa Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga setting > Display > Linaw.
3
Alisan ng marka ang checkbox na
Umangkop sa mga kundisyon ng ilaw kung
may marka ito.
4
I-drag ang slider upang i-adjust ang liwanag.
Ang pagpapababa sa antas ng liwanag ay nagpapahusay pahusayin ang pagganap ng
baterya.
Upang i-set ang screen na mag-vibrate kapag na-touch
1
Mula sa Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting> Tunog.
3
Markahan ang checkbox na
Mag-vibrate sa pagpindot. Magba-vibrate ngayon
ang screen kapag iyong tinapik ang mga soft key at ilang application.
Upang ayusin ang idle time bago mag-off ang screen
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Display > Sleep.
3
Pumili ng opsyon.
Upang mabilis na i-off ang screen, pindutin nang sandali ang power key .
Smart backlight control
Pinapanatili ng smart backlight control na naka-on ang screen hangga't hawak mo ang
device. Kapag ibinaba mo ang device, mag-o-off ang screen alinsunod sa iyong setting
ng pag-sleep.
Upang i-on ang function na Smart backlight control
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Display > Smart backlight control.
3
I-drag ang slider sa tabi ng
Smart backlight control pakanan.