Pagpili ng mga mobile network
Sinusuportahan ng iyong device ang paggamit ng dalawang magkaibang network nang
magkasabay. Maaari kang pumili sa sumusunod na mga kumbinasyon ng network mode
kapag may dalawang SIM card na nakakabit sa iyong device:
•
Isang LTE network at isang GSM network
•
Isang WCDMA network at isang GSM network
•
Dalawang GSM network
Para sa bawat SIM card, maaari mong i-set ang iyong device na awtomatikong lumipat
sa sa pagitan ng mga mobile network depende sa kung aling mga mobile network ang
available kung nasaan ka. Maaari mo ring manu-manong i-set ang iyong device na
gumamit ng partikular na mobile network mode para sa bawat SIM card, halimbawa,
WCDMA o GSM.
Iba't ibang status icon ang ipinapakita sa status bar depende sa uri o mode ng network
kung saan ka nakakonekta. Sumangguni sa
Mga icon ng katayuan
sa pahinang 23
upang makita kung ano ang hitsura ng iba't ibang status icon.
Upang pumili ng mode ng network
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Higit pa... > Mga mobile network.
3
Pumili ng SIM card.
4
Tapikin ang
Network mode, pagkatapos ay piliin ang isang network mode.
34
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Upang manu-manong pumili ng isa pang network
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Higit pa... > Mga mobile network.
3
Pumili ng SIM card.
4
Tapikin ang
Mga service provider.
5
Tapikin ang
Mode sa paghahanap, pagkatapos ay piliin ang Manu-mano.
6
Pumili ng network.
Kung manu-mano kang pipili ng network, hindi maghahanap ang iyong device ng iba pang
mga network, kahit na umalis ka sa sakop ng network na manu-manong pinili.
Upang i-aktibo ang awtomatikong pagpili ng network
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Higit pa... > Mga mobile network.
3
Pumili ng SIM card.
4
Tapikin ang
Mga service provider.
5
Tapikin ang
Mode sa paghahanap > Piliin ang awtomatiko.